Naghahapunan sa komedor sina Kapitan Tiago, Linares, at Tiya Isabel. Nariyan din si Maria Clara at si Padre Salvi. Ilang minuto lang pagkatapos dumating si Ibarra'y may narinig na silang mga putok ng baril. May mga tulisan na umatake sa mga Kastila! Lahat sila'y natakot, kahit si Kapitan Tiyago'y umiiyak na umalay sa Birhen ng Antipolo. Pagkatapos ng ilang mga sandali, biglang tumahimik. Umalis kaagad si Crisostomo Ibarra patungo sa bahay niya upang ikuha ang kanyang mga papeles, pera, at alahas dahil tatakas sana siya. Ngunit, habang kinokolekta niya ang kanyang mga kagamitan, may mga dumating na tatlong mga gwardiya sibil. Sinabi nila kay Ibarra na siya'y isang kriminal, at ninais nilang dalhin siya sa bilangguan. Sinabi nila na kung nangakong di tatakbo si Ibarra, dahil pabor ito sa alferez, hindi nila gagapusin si Ibarra. Hindi na pinakita ni Ibarra na ninais niyang tumakas, at sumunod nalang siya. Natanong ni Ibarra sa sarili, ano kaya ang nangyari kay Elias?
Iniwan ni Elias ang bahay ni Ibarra at patakbong tumungo sa bayan niya. Walang tao rito, kung kaya't bumalik siya sa bahay ni Ibarra, at diyan niya natuklasan ang nangyari. Nakita niya ang mga kagamitan sa sahig, at naintindihan na niya kung ano ang ninais ni Ibarra. Kinolekta niya ang mga pera at alahas, at nilagay rin niya ang isang larawan ni Maria Clara sa sako. Dahil may mga dumarating na dalawang gwardiya sibil, ginawa niyang sunugin nalang ang mga papeles, at ang bahay ni Ibarra, upang hindi mapunta pa ang mga ito sa mga kamay ng mga di-makatarungang mga Kastila. Nang pumasok ang mga gwardiya sibil upang kunin ang mga papeles ni Ibarra, natuklasan nilang may makapal na usok na nagmumula sa sala. Tumakbo silang palabas, at pinanood nalang nila ang nasusunog na bahay dahil wala na silang magawa. Mukhang isang matandang gusali na iginalang ng mga elemento ang bahay ni Ibarra.
Kinabukasan, pinag-uusapan ng mga tao ang mga pangyayari. Ang sa chismis ay ang mga tulisan ay mga kasapi ng mga taong katulad nina Tandang Pablo at Don Felipo. Kahit mga Tsino'y inakalang nag-alsa. Unting-unting naglabasan ang mga mamamayan. Iba't ibang bersyon ng mga pangyayari ang lumabas. Mahigit kumulang ng tatlumpu ang mga namatay. Dahil may kumausap sa isa sa mga kuwadrilyerong nagbabantay kay Ibarra, lumabas na si Bruno pala ang nagsabi na si Ibarra, dahil nasaktan sa mga nakaraang pangyayari, ang nagplano ng pag-aalsang nangyari, at ninais niyang patayin ang lahat ng mga Kastila. Nagdebate ang mga tao kung si Ibarra nga ba talaga ang may kasalanan, at natuklasan nila'y may kapitbahay na nabigti na. May tagabukid na naghintay hanggang gumising si Pisak upang magpamisa. Tinanong ang tagabukid kung para sa kanino ang misa, at ang sagot niya: Para sa isang taong malapit nang mamatay. Ang tagabukid na ito'y si Elias.
Napakalungkot ng gobernadorsilyo. Walang laman ang kaniyang silyon, ang malaking upuan sa ilalim ng larawan ng Kaniyang Kamahalan, at nakatadhana nang likmuan ng ibang tao. Dumating ang kurang kanyang hinihintay sa ikasiyan, siya'y mukhang napakanerbiyoso. Ito'y si Padre Salvi. Pinakita ng Alferez ang dalawang taong nahuli nilang buhay, si Tarsilo na ang kapatid ni Bruno, at ang pinakamatapang manlaban, at isang batang natamaan sa hita. Sinabi ni Tarsilo na walang ginawa si Ibarra. Sinabi rin niya na gusto niyang patayin nalang siya. Pinakita ng alferez ang limang bangkay, isa ang asawa ni Sisa, isa ang kaniyang kapatid, at isa si Lucas. Tinanong ng alferez kung kilala niya siya, ngunit nanahimik lang si Tarsilo. Pagkatapos tanungin ni Padre Salvi si Tarsilo, sagot niya'y di niya kilala. Sinapak siya at sinipa ng alferez. Ininsulto pa ni Tarsilo ang asawa ng alferez. Mabagal na nilunod si Tarsilo dahil hindi siya bumigay ng impormasyon. Mabilis na bumigay ang isa, si Andong Sinto-Sinto. Ang biyenan niya ang nagpautos na pumasok si Andong sa kumbento. Hindi pala kasapi ang taong ito sa pag-aalsa.
Ang mga kamag-anak ng mga nag-alsa ay nag-iyakan. Hinihiling nila'y pagbigyan nalang ang mga nahuli, dahil kawawa ang mga anak na mawawalan ng mga ama. May nagsigaw na babae na kasalanan pa ito ni Don Crisostomo Ibarra. Maraming mga babae ay hindi mapakali nang makita ang mga kamag-anak nilang kawawang-kawawa. Ang unang lumabas ay si Don Filipo, ang pinakahuli, si Ibarra. Si Ibarra ang walang-tigil na tinukso ng mga kamag-anak, dahil siya ang kanilang iniisip na may kasalanan. Si Kapitana Maria lamang ang tanging hindi naghiganti sa kaniya. Armadong-armado ang alferez, at maraming mga gwardiya sibil ang kanyang mga kasama. Lumuha ang mga mata ni Ibarra pagkatapos makita ang mga usok na nanggaling sa kaniyang bahay. Malungkot na pinanood ni Pilosopong Tasyo ang mapanglaw na karabana. Umuwi siyang napakalumbay. Kinaumagahan, natagpuan siyang patay ng mga pastol.
No comments:
Post a Comment