Monday, November 8, 2010

Kabanatas 56-60

Naghahapunan sa komedor sina Kapitan Tiago, Linares, at Tiya Isabel. Nariyan din si Maria Clara at si Padre Salvi. Ilang minuto lang pagkatapos dumating si Ibarra'y may narinig na silang mga putok ng baril. May mga tulisan na umatake sa mga Kastila! Lahat sila'y natakot, kahit si Kapitan Tiyago'y umiiyak na umalay sa Birhen ng Antipolo. Pagkatapos ng ilang mga sandali, biglang tumahimik. Umalis kaagad si Crisostomo Ibarra patungo sa bahay niya upang ikuha ang kanyang mga papeles, pera, at alahas dahil tatakas sana siya. Ngunit, habang kinokolekta niya ang kanyang mga kagamitan, may mga dumating na tatlong mga gwardiya sibil. Sinabi nila kay Ibarra na siya'y isang kriminal, at ninais nilang dalhin siya sa bilangguan. Sinabi nila na kung nangakong di tatakbo si Ibarra, dahil pabor ito sa alferez, hindi nila gagapusin si Ibarra. Hindi na pinakita ni Ibarra na ninais niyang tumakas, at sumunod nalang siya. Natanong ni Ibarra sa sarili, ano kaya ang nangyari kay Elias?



Iniwan ni Elias ang bahay ni Ibarra at patakbong tumungo sa bayan niya. Walang tao rito, kung kaya't bumalik siya sa bahay ni Ibarra, at diyan niya natuklasan ang nangyari. Nakita niya ang mga kagamitan sa sahig, at naintindihan na niya kung ano ang ninais ni Ibarra. Kinolekta niya ang mga pera at alahas, at nilagay rin niya ang isang larawan ni Maria Clara sa sako. Dahil may mga dumarating na dalawang gwardiya sibil, ginawa niyang sunugin nalang ang mga papeles, at ang bahay ni Ibarra, upang hindi mapunta pa ang mga ito sa mga kamay ng mga di-makatarungang mga Kastila. Nang pumasok ang mga gwardiya sibil upang kunin ang mga papeles ni Ibarra, natuklasan nilang may makapal na usok na nagmumula sa sala. Tumakbo silang palabas, at pinanood nalang nila ang nasusunog na bahay dahil wala na silang magawa. Mukhang isang matandang gusali na iginalang ng mga elemento ang bahay ni Ibarra.



Kinabukasan, pinag-uusapan ng mga tao ang mga pangyayari. Ang sa chismis ay ang mga tulisan ay mga kasapi ng mga taong katulad nina Tandang Pablo at Don Felipo. Kahit mga Tsino'y inakalang nag-alsa. Unting-unting naglabasan ang mga mamamayan. Iba't ibang bersyon ng mga pangyayari ang lumabas. Mahigit kumulang ng tatlumpu ang mga namatay. Dahil may kumausap sa isa sa mga kuwadrilyerong nagbabantay kay Ibarra, lumabas na si Bruno pala ang nagsabi na si Ibarra, dahil nasaktan sa mga nakaraang pangyayari, ang nagplano ng pag-aalsang nangyari, at ninais niyang patayin ang lahat ng mga Kastila. Nagdebate ang mga tao kung si Ibarra nga ba talaga ang may kasalanan, at natuklasan nila'y may kapitbahay na nabigti na. May tagabukid na naghintay hanggang gumising si Pisak upang magpamisa. Tinanong ang tagabukid kung para sa kanino ang misa, at ang sagot niya: Para sa isang taong malapit nang mamatay. Ang tagabukid na ito'y si Elias.

Napakalungkot ng gobernadorsilyo. Walang laman ang kaniyang silyon, ang malaking upuan sa ilalim ng larawan ng Kaniyang Kamahalan, at nakatadhana nang likmuan ng ibang tao. Dumating ang kurang kanyang hinihintay sa ikasiyan, siya'y mukhang napakanerbiyoso. Ito'y si Padre Salvi. Pinakita ng Alferez ang dalawang taong nahuli nilang buhay, si Tarsilo na ang kapatid ni Bruno, at ang pinakamatapang manlaban, at isang batang natamaan sa hita. Sinabi ni Tarsilo na walang ginawa si Ibarra. Sinabi rin niya na gusto niyang patayin nalang siya. Pinakita ng alferez ang  limang bangkay, isa ang asawa ni Sisa, isa ang kaniyang kapatid, at isa si Lucas. Tinanong ng alferez kung kilala niya siya, ngunit nanahimik lang si Tarsilo. Pagkatapos tanungin ni Padre Salvi si Tarsilo, sagot niya'y di niya kilala. Sinapak siya at sinipa ng alferez. Ininsulto pa ni Tarsilo ang asawa ng alferez. Mabagal na nilunod si Tarsilo dahil hindi siya bumigay ng impormasyon. Mabilis na bumigay ang isa, si Andong Sinto-Sinto. Ang biyenan niya ang nagpautos na pumasok si Andong sa kumbento. Hindi pala kasapi ang taong ito sa pag-aalsa.

Ang mga kamag-anak ng mga nag-alsa  ay nag-iyakan. Hinihiling nila'y pagbigyan nalang ang mga nahuli, dahil kawawa ang mga anak na mawawalan ng mga ama. May nagsigaw na babae na kasalanan pa ito ni Don Crisostomo Ibarra. Maraming mga babae ay hindi mapakali nang makita ang mga kamag-anak nilang kawawang-kawawa. Ang unang lumabas ay si Don Filipo, ang pinakahuli, si Ibarra. Si Ibarra ang walang-tigil na tinukso ng mga kamag-anak, dahil siya ang kanilang iniisip na may kasalanan. Si Kapitana Maria lamang ang tanging hindi naghiganti sa kaniya. Armadong-armado ang alferez, at maraming mga gwardiya sibil ang kanyang mga kasama. Lumuha ang mga mata ni Ibarra pagkatapos makita ang mga usok na nanggaling sa kaniyang bahay. Malungkot na pinanood ni Pilosopong Tasyo ang mapanglaw na karabana. Umuwi siyang napakalumbay. Kinaumagahan, natagpuan siyang patay ng mga pastol.

Friday, November 5, 2010

Ika-limang Yugto: Rape!

Si Kapitan Pablo ay isang pugante at nais manirahan sa mga kagubatan sa may probinsya ng Batanggas. Biktima siya ng mga panggagawa ng abusadong mga Kastilang may kapangyarihan sa Pilipinas.

Ama siya ng tatlong anak. Ang kanyang iisang anak na babae ay nagahasa ng isang prayle ng simbahan. Nais hanapin ng kanyang dalawang kapatid na lalaki ang taong may gawa ng panggagahasa. Ngunit, nakahanap ng paraan ang prayle upang tumakas sa magkapatid. Nagawa pa niyang patayin ang dalawa sa hindi maisipang paraan.

Kawawang-kawawa talaga si Kapitan Pablo, isang matalik na kaibigan ni Elias.

Ano kaya ang ginawa ni Elias sa kalagayan ni Kapitan Pablo? May hiningi kaya si Kapitan Pablo kay Elias? Panoorin ang susunod na yugto upang malaman!

Ika-apat na Yugto: Anak ng Pader?

May sakit si Maria Clara. Binigyan ng doktor niyang asawa si Maria Clara ng gamot upang galingin ang kanyang sakit. Pumunta naman si Padre Salvi kay Maria Clara upang si Maria Clara'y makapaghingi ng tawad sa kanya at sa Diyos. Akala kasi ng mga prayle noong panahong iyon, ang confession at dasal ang makakapaggaling sa sakit ng isang tao.

Sa confession na iyon, may nasabi si Padre Salvi kay Maria Clara na makakapagapekto sa isipan at istorya ni Maria Clara. Sinabi niya ang totoong idendidad ng kanyang tatay! Ngayon lamang, at hindi sa mga iilang taon ng buhay ni Maria Clara, niya nalaman ang katotohanan.

SINO KAYA ANG TOTOONG AMA NI MARIA CLARA??? Alamin sa susunod na yugto! Panoorin na!

Ikatlong Yugto: Tsismis

May bago nanamang tsismis ang pumapalaganap sa bayan. Namatay na raw si Padre Damaso? Nakipagsuntukan daw si Damaso sa isang mestisong Kastila? Hindi maliwanag sa mga tao sa bayan kung ano talaga ang nangyari - kung ano ang mga pangyayaring naganap sa tanghaliang noong araw na iyon.

Ano ba talaga ang totoong nangyari? Buhay pa ba si Padre Damaso? Ano ang nangyari kay Crisostomo Ibarra?

May nakakita sa totoong nangyari. Nandoon siya sa tanghalian na iyon. Isang mamamayan sa bayan. Naalala niyang nagsesermon si Padre Damaso sa mga tao. Nandoon din si Crisostomo Ibarra, pati na rin si Maria Clara. Ano kaya ang sinasabi ni Damaso sa pangyayaring ito? Panoorin ang ikatlong yugto upang malaman!

Paligsahan!

Bago pa man magsimula ang bagong season ng NOLI sa ABS-CBN, magkakaroon ng paligsahan ang mga manonood. Gamitin ang kaalaman tungkol sa nobel ni Jose Rizal at sagutin ang tanong. Itext ang sagot at maari kayong manalo ng limited edition na Noli na damit galing sa ABS-CBN!!!

Ang tanong ay:

Sino ang ama ni Crisostomo Ibarra?

A) Javier Ibarra
B) Don Rafael Ibarra
C) Maria Clara
D) Kevin Crisostomo Ibarra

Itype lang ang NOLI CONTEST <space>PANGALAN <space> EDAD <space> ADDRESS <space> SAGOT at isend sa 2-NOLI (26654) para sa Globe, Smart o TM Subscribers o 2-TANGERE (28264373) para sa Sun Cellular Subscribers.

Ang huling araw ng paligsahan ay sa ika-10 ng Oktubre 2010. Tara na at magtext na!

Tuesday, October 12, 2010

Putol.

Dahil sa hindi inaasahang mga bagay, naputol ang pagpapalabas ng Noli sa ABS-CBN.

Sa mga nasaunang pelikula, makikita ang pagbalik ni Ibarra, ang unang bahagi ng kwento ng Noli Me Tangere. Ngunit, nais ng direktor na baguhin ang direksyon kung saan pumupunta ang telenobela, kaya mula ngayon, ang mga yugtong mapapanood ninyo ay magsisimula sa gitna ng kwento.

Payo naming basahin ninyo ang unang bahagi ng libro upang makakuha ng kaunting kaalaman tungkol sa interesanteng buhay ni Crisostomo Ibarra.

Mapapanood pa rin ang NOLI sa ABS-CBN tuwing Sabado ng gabi sa PRIMETIME BIDA.

Thursday, October 7, 2010

Ikalawang Yugto: Ang Piesta

Nang dumako ang barko na sinakyan ni Ibarra pauwi, napansin niyang walang pagbabago mula noong umalis siya. Nakakita siya ng mga nakikilalang mga mukha, at mayroon mga taong kumakaway ng kamay upang makuha ang attensyon niya. Lumapit siya at nakipag-usap sa kanila. Natuklasan niyang mas lumala pa pala ang sitwasyon ngayon kaysa sa dati, at marami ng mga isyu ang dumaan noong nasa Alemanya pa siya.

Noong naglalakad na siya't naghahanap ng sundo, may narinig siyang mga bulong. May napansin siyang mga taong nakaturo ang daliri sa kanya. Seryoso ang mga mukha ng mga ito at patagu-tago pa ang kanilang mga pinagsasabi. Hindi ni Ibarra marinig ang mga sinasabi ng mga ito at gusto niyang matuklasan, ngunit ayaw na niyang manatili pa roon dahil gusto na niya makita ang mahal niyang babae at tatay.

Nakarating siya sa bahay ng kanyang tito, si Kapitan Tiyago, at nagkaroon ng pista alang-alang ang kanyang pagbabalik mula sa Alemanya. Nagkuwentuhan lamang ang mga tao roon tungkol sa kanyang paglalakbay. Matapos ang ilang saglit, umalis na mula sa mesa ang mga tao. Nang palapit na si Ibarra kay Kapitan Tiyago, may narinig ulit siyang mga bulong, at dalawang salita ang umabot sa kaniyang taenga: Maria Clara

Bakit kaya nakatutok sa kaniya ang mga tao sa pier, at ano kaya ang isyung kanyang narinig tungkol kay Maria Clara? Panoorin ang ikalawang yugto!