Thursday, October 7, 2010

Ikalawang Yugto: Ang Piesta

Nang dumako ang barko na sinakyan ni Ibarra pauwi, napansin niyang walang pagbabago mula noong umalis siya. Nakakita siya ng mga nakikilalang mga mukha, at mayroon mga taong kumakaway ng kamay upang makuha ang attensyon niya. Lumapit siya at nakipag-usap sa kanila. Natuklasan niyang mas lumala pa pala ang sitwasyon ngayon kaysa sa dati, at marami ng mga isyu ang dumaan noong nasa Alemanya pa siya.

Noong naglalakad na siya't naghahanap ng sundo, may narinig siyang mga bulong. May napansin siyang mga taong nakaturo ang daliri sa kanya. Seryoso ang mga mukha ng mga ito at patagu-tago pa ang kanilang mga pinagsasabi. Hindi ni Ibarra marinig ang mga sinasabi ng mga ito at gusto niyang matuklasan, ngunit ayaw na niyang manatili pa roon dahil gusto na niya makita ang mahal niyang babae at tatay.

Nakarating siya sa bahay ng kanyang tito, si Kapitan Tiyago, at nagkaroon ng pista alang-alang ang kanyang pagbabalik mula sa Alemanya. Nagkuwentuhan lamang ang mga tao roon tungkol sa kanyang paglalakbay. Matapos ang ilang saglit, umalis na mula sa mesa ang mga tao. Nang palapit na si Ibarra kay Kapitan Tiyago, may narinig ulit siyang mga bulong, at dalawang salita ang umabot sa kaniyang taenga: Maria Clara

Bakit kaya nakatutok sa kaniya ang mga tao sa pier, at ano kaya ang isyung kanyang narinig tungkol kay Maria Clara? Panoorin ang ikalawang yugto!

No comments:

Post a Comment