Dahil sa hindi inaasahang mga bagay, naputol ang pagpapalabas ng Noli sa ABS-CBN.
Sa mga nasaunang pelikula, makikita ang pagbalik ni Ibarra, ang unang bahagi ng kwento ng Noli Me Tangere. Ngunit, nais ng direktor na baguhin ang direksyon kung saan pumupunta ang telenobela, kaya mula ngayon, ang mga yugtong mapapanood ninyo ay magsisimula sa gitna ng kwento.
Payo naming basahin ninyo ang unang bahagi ng libro upang makakuha ng kaunting kaalaman tungkol sa interesanteng buhay ni Crisostomo Ibarra.
Mapapanood pa rin ang NOLI sa ABS-CBN tuwing Sabado ng gabi sa PRIMETIME BIDA.
Tuesday, October 12, 2010
Thursday, October 7, 2010
Ikalawang Yugto: Ang Piesta
Nang dumako ang barko na sinakyan ni Ibarra pauwi, napansin niyang walang pagbabago mula noong umalis siya. Nakakita siya ng mga nakikilalang mga mukha, at mayroon mga taong kumakaway ng kamay upang makuha ang attensyon niya. Lumapit siya at nakipag-usap sa kanila. Natuklasan niyang mas lumala pa pala ang sitwasyon ngayon kaysa sa dati, at marami ng mga isyu ang dumaan noong nasa Alemanya pa siya.
Noong naglalakad na siya't naghahanap ng sundo, may narinig siyang mga bulong. May napansin siyang mga taong nakaturo ang daliri sa kanya. Seryoso ang mga mukha ng mga ito at patagu-tago pa ang kanilang mga pinagsasabi. Hindi ni Ibarra marinig ang mga sinasabi ng mga ito at gusto niyang matuklasan, ngunit ayaw na niyang manatili pa roon dahil gusto na niya makita ang mahal niyang babae at tatay.
Nakarating siya sa bahay ng kanyang tito, si Kapitan Tiyago, at nagkaroon ng pista alang-alang ang kanyang pagbabalik mula sa Alemanya. Nagkuwentuhan lamang ang mga tao roon tungkol sa kanyang paglalakbay. Matapos ang ilang saglit, umalis na mula sa mesa ang mga tao. Nang palapit na si Ibarra kay Kapitan Tiyago, may narinig ulit siyang mga bulong, at dalawang salita ang umabot sa kaniyang taenga: Maria Clara
Bakit kaya nakatutok sa kaniya ang mga tao sa pier, at ano kaya ang isyung kanyang narinig tungkol kay Maria Clara? Panoorin ang ikalawang yugto!

Wednesday, October 6, 2010
Unang Yugto: Ang Pagbalik
Kaalis lamang ni Crisotomo Ibarra sa bansang Espanya at patungo siya sa Maynila sakay ang barkong Viva La Tina. Alam niyang maaalala niya parati ang lugar kung saan nakakuha siya ng iba't ibang panibagong mga aralin pati narin ng mga bagong kaibigan. Ngunit, gustong-gusto na niyang pumunta sa Maynila upang makita ang kanyang mga kaibagan, mahal sa buhay lalo na ang kanyang tatay na si Don Rafael. (Wala pa siyang nakukuhang balita tungkol sa nangyari sa kanyang ama.)
Sa loob ng barko, marami siyang nakitang mga tao - mga taong taga-Maynila. Tinanong ni Ibarra sila tungkol sa kalagayan ng Pilipinas ngayon. Wala silang masabi kung hindi mga masasama at nakakalungkot na paglalarawan ng kalagayan ng Pilipinas.
Nakakita rin si Ibarra ng magandang mga babaeng si Bernadita Godon, ngunit hindi ata sila nag-"connect." Sinubukan na lapitan ni Ibarra si Bernadita ngunit parati siyang naglalayo sa kanya. Si Bernadita naman, sekretong may gusto kay Ibarra ngunit nananatiling pakipot!
Upang malaman kung ano ang nangyari kay Ibarra at ang babae, panoorin ang unang yugto!!!
Sino Ang Magiging Bagong Ibarra?
Sa unahan, nahirapan kaming pumili ng aktor na pinakababagay na gampanan ang tauhan ni Crisostomo Ibarra. Pinagpiliian namin ang ilan sa mga tagapagnuod ng ABS-CBN kung sino ang gusto nilang maging bagong Crisostomo Ibarra? 3 ang pinagpiliian namin, Alberto Oxales III, Bong Revilla at si Taylor Lautner. Ito ang resulta ng survey na ginawa sa iba't ibang mga tao.

Makikita natin na ang pinakabagay na aktor para kay Ibarra ay walang iba kundi si Taylor Lautner!
Sang-ayon ka ba sa naging resulta ng survey? Maaari ka pang bumoto sa gilid ng screen. -->
Subscribe to:
Posts (Atom)