Wednesday, October 6, 2010

Unang Yugto: Ang Pagbalik




Kaalis lamang ni Crisotomo Ibarra sa bansang Espanya at patungo siya sa Maynila sakay ang barkong Viva La Tina. Alam niyang maaalala niya parati ang lugar kung saan nakakuha siya ng iba't ibang panibagong mga aralin pati narin ng mga bagong kaibigan. Ngunit, gustong-gusto na niyang pumunta sa Maynila upang makita ang kanyang mga kaibagan, mahal sa buhay lalo na ang kanyang tatay na si Don Rafael. (Wala pa siyang nakukuhang balita tungkol sa nangyari sa kanyang ama.)

Sa loob ng barko, marami siyang nakitang mga tao - mga taong taga-Maynila. Tinanong ni Ibarra sila tungkol sa kalagayan ng Pilipinas ngayon. Wala silang masabi kung hindi mga masasama at nakakalungkot na paglalarawan ng kalagayan ng Pilipinas.

Nakakita rin si Ibarra ng magandang mga babaeng si Bernadita Godon, ngunit hindi ata sila nag-"connect." Sinubukan na lapitan ni Ibarra si Bernadita ngunit parati siyang naglalayo sa kanya. Si Bernadita naman, sekretong may gusto kay Ibarra ngunit nananatiling pakipot!

Upang malaman kung ano ang nangyari kay Ibarra at ang babae, panoorin ang unang yugto!!!

No comments:

Post a Comment